HINDI PAPAYAG | Amerika, pipigilan ang pananakop ng China sa Asia-Pacific Region; Pilipinas, dedepensahan

Manila, Philippines – Binigyan diin ng Amerika na hindi nito hahayaan na sakupin ng China ang Asia-Pacific Region.

Kasunod na rin ng patuloy na pagtatayo ng China ng mga istraktura sa West Philippine Sea.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim ,tutol ang Amerika sa ginagawa ng China na militarisasyon sa Spratlys lalo nat maaari itong magdulot ng tensyon sa rehiyon.


Pagtitiyak ni Kim – nananatiling buo ang pahayag ng Amerika na tutulong sa mga kaalyadong bansa sa rehiyon at ang pangako sa Pilipinas na dedepensahan ito sa oras ng pangangailangan sa ilalim na rin ng Mutual Defense Treaty.

Sa interview ng RMN, sinabi ni dating National Security Adviser Roilo Golez na dapat na rin mag-ingay ang Pilipinas lalo na at ang bansa ang pinaka-apektado ng ginagawa ng China.

Suportado rin ni Golez ang plano ng Department of National Defense na maghain ng ‘Diplomatic Protest’ laban sa China sa pamamagitan Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa umano’y militarisasyon ng Spratlys.

Facebook Comments