HINDI PAPAYAG | Sec. Lorenzana tiniyak na mahigpit na tututulan ang planong paglalagay ng nuclear stations sa West PH Sea

Manila, Philippines – Hindi papayag ang pamahalaan na makapatayo o makapaglagay ang China ng nuclear stations sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Ito ang mariing sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang report ng pentagon sa US Congress na binibigyan nila ng babala ang Pilipinas sa plano ng China na maglagay ng nuclear station sa West Philippine Sea.

Ayon kay Lorenzana, para saan bakit kailangang maglagay ng nuclear station ang China sa West Philippine Sea.


Wala naman aniyang masamang balak ang Pilipinas laban sa China at wala ring plano ang bansa na atakihin ang mga reclaimed areas ng China.

Kaya nga aniya may mga pag-uusap na ginagawa sa pagitan ng China dahil nais ng gobyerno na idaan ito sa diplomatikong pamamaraan kaya walang dahilan para maglagay pa ang China ng nuclear station sa West Philippine Sea.

Ang China ang isang sa mga bansa sa Asya na mahigpit na kaagaw ng Pilipinas sa ilang mga isla sa West Philippine Sea.

Facebook Comments