Manila, Philippines – Wala nang makapipigil pa sa Department of
Transportation (DOTr) sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program.
Ayon kay DOTR Secretary Arthur Tugade, kung tutuusin long overdue na ang
nasabing programa bunsod ng kaliwat kanang kilos protesta ng mga transport
groups na nagresulta sa hindi ligtas at maayos na public transport system.
Babala ni Tugade lalo na sa grupong PISTON na itigil na ang pagsasagawa ng
transport strike
Hindi aniya magpapadala ang gobyerno sa tigil pasada ng PISTON upang muling
maantala ang pagpapatupad ng modernization program.
Kasunod nito muling sinabi ng DOTr na bukas ang ahensya para sa pakikipag
dayalogo sa sinumang grupo.
<#m_8206093588460100762_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments