Hindi patas na distribusyon ng COVID-19 vaccine, dahilan para bumaba ang Pilipinas sa resilience ranking – Duque

Bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa COVID Resilience Ranking dahil sa hindi pantay-pantay na pamamahagi ng bakuna sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mababa ang COVID-19 vaccine coverage ng Pilipinas dahil kinakamkam ng mga mayayamang bansa ang vaccine supplies.

Paunti-unti lamang aniya ang mga dumarating na supply ng bakuna sa mga mahihirap na bansa.


Iginiit ni Duque na hindi kontrolado ng Pilipinas ang pagdating ng vaccine supply.

Nabatid na ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamababa mula sa 53 bansa pagdating sa vaccine coverage, lockdown severity, flight capacity, vaccinated travel routes, one-month cases per 100,000, one-month fatality rate, total deaths per million, positivity rate, mobility, 2021 Gross Domestic Product (GDP) growth forecast, universal healthcare coverage, at human development index.

Facebook Comments