Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na maaaring mapalala pa ng vaccine inequity o yung hindi patas na supply ng bakuna sa mga bansa ang mutations ng COVID-19.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, pinakaapektado nanaman dito ang mga bansang mahihirap at nakakaranas ng vaccine shortage.
Inihalimbawa ni Ghebreyesus ang mga low-income countries sa Africa kung saan wala pang isang porsyento ng kabuuang COVID-19 vaccines ang kanilang natanggap.
Kasunod nito, muli rin niyang iginiit na kailangang maabot ang target na mabakunahan ang 40 porsyento ng populasyon ng bawat bansa bago matapos ang 2021.
Samantala, nanawagan din si Ghebreyesus na hindi dapat parusahan ang South Africa at sa halip ay dapat pa ngang pasalamatan dahil agad nilang natukoy ang Omicron variant upang makapaghanda ang mga bansa.