HINDI PATAS | NCRPO, nakipag-ugnayan na sa Bureau of Immigration para mahuli ang mga tinaguriang “15-30” cops

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Bureau of Immigration para mahuli ang mga tinaguriang “15-30” cops.

Ito ay ang mga pulis na nagtatrabaho sa ibang bansa at bumabalik lang sa Pilipinas tuwing a-kinse o katapusan ng buwan para sa sahod.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde – hindi ito patas para sa mga pulis na ibinubuwis ang buhay sa bansa sa paglaban sa kriminalidad.


Bagama’t may hawak na silang report hinggil dito, mas lalakas ang kaso kung susuportahan ito ng mga dokumento mula sa B-I.

Tiniyak din ni Albayalde na masisibak sa serbisyo ang pulis na mapapatunayang sangkot sa ‘15-30’ cops.

Facebook Comments