Manila, Philippines – Handa na ang Philippine Azkals sa nalalapit nilang
laban sa darating na March 22 at 27.
Makakaharap ng Azklas sa March 22 ang Fiji para sa international friendly
match.
Ang nasabing laro ay magiging tune-up game para sa AFC Asian Cup 2019
qualifiers match na gaganapin sa Marso 27 kung saan makakaharap nila ang
Tajikistan.
Ayon kay Azkals team manager Dan Palami, mahalaga ang bawat laro dahil
kapag nanalo sila o magkaroon ng draw ay diretso sila sa AFC Asian Cup.
Sa pinakahuling FIFA rankings, ang Tajikistan ay nasa pang-124 habang ang
Pilipinas ay nasa 128 na pwesto.
Facebook Comments