HINDI PATITINAG | AFP at PNP, hindi takot sa banta ng CPP Founding Chairman Joma Sison

Manila, Philippines – Hindi takot ang hanay ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa banta ni Communist Party of the Philippine Founding Chair Joma Sison na mas maraming pag-atake ang kanilang gagawin laban sa tropa ng pamahalaan.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang bantang ito ng CPP-NPA ay nagpapakita ng tunay nilang kulay para sirain ang peace and developments effort at infrastructure development ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Arevalo na may banta man o wala ay nanatili ang AFP sa kanilang layuning protektahan ang publiko laban sa mga pagatake ng mga kalaban ng gobyerno.


Sa ngayon itutuloy lamang daw nila ang kanilang operasyon laban sa mga miyembro ng CPP NPA terrorist.

Sa panig naman PNP sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na sa ngayon ay nasa attack mode ang hanay ng Pambasang Pulisya at wala aniya silang magagawa kundi idepensa ang kanilang mga sarili kung aatake ang mga CPP NPA terrorist. <#m_-4508414862699775643_m_1365246198333883192_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments