HINDI PATOK? | Television ratings ng NBA All-Star Game, nabawasan

NBA – Hindi umano pumatok ang bagong format ng NBA All-Star Game ngayong taon.

Ito ay matapos na mabawasan ang television ratings ng NBA All-Star Game.

Sa bagong format, nabatid na ang mga team captains na sina Lebron James at Stephen Curry ang namili ng line-up taliwas sa nakasanayang sagupaan ng Eastern at Western Conference.


Mula kasi sa 7.8-million viewers noong 2017, nakakuha lang ng average 7.7-million viewers ang laro kahapon.

Isa rin sa tinitingnang rason ang pagsabay ng NBA All-Star Game sa 2018 Winter Olympics sa Pyeongchang, South Korea.

Sa kabila nito, tumaas naman daw sa 37 percent ang video views sa mga Social Media Channels kumpara noong nakaraang taon.

Facebook Comments