HINDI PAYAG | Joint session, lalayasan ng mga Senador kapag ginawang constituent assembly

Manila, Philippines – Hindi papayag ang mga Senador na samantalahin ng Kamara an joint session mamaya para isagawa ang constituent assembly para isakatuparan ang Charter change.

Ayon kay Senate Minority Leader Frankin Drilon, sa oras na gawin ito ng Kamara ay agad na isusulong ni Senate President Tito Sotto III na ma-adjourn ang joint session at aalis silang mga Senador.

Diin ni Senator Drilon, malinaw sa resolusyon na ipinadala sa kanila ng Kamara na tanging ang pagdinig lang sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agenda ng Joint Session ngayong alas-4 ng hapon.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng session ay iginiit din ni Senator Sotto ang kahalahahan ng Senado kaya hindi ito maaring i-itsapwera sa pag-amyenda sa saligang batas.


Facebook Comments