HINDI PINABORAN | Economic managers, hindi pabor sa Federalism

Manila, Philippines – Malinaw para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na ayaw ng economic managers ng administrasyon na mapalitan ng Pederalismo ang kasalukuyang porma ng gobyerno.

Ayon Kay drilon, sa presentasyon sa Senado ng 2019 proposed national budget ay ipinunto ng economic managers na walang financial analysis ang binuong federal draft ng Consultative Committee o ConCom.

Sa budget presentation ay inilahad ni Finance Secretary Carlos Dominguez na hindi malinaw sa draft constituion kung paano o sino ang magpapayad sa utang ng bansa, sa militar, sa Dept. of foreign affairs, sa central bank at iba pa.


Katwiran ni Dominguez, kung hindi mareresolba ang nabanggit na usapin ay posibleng magresulta sa fiscal nightmare ang Pederalismo.

Bunsod nito ay idiniin ni drilon na hindi uubra na i-adopt natin ang draft constitution para sa federal government na binuo ng ConCom na pinamumunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno.

Facebook Comments