HINDI PINAGALITAN | NFA Administrator Jason Aquino, hindi sinabon ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi pinagalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Food Authority Administrator Jason Aquino sa naganap na NFA Council meeting dito sa MalacaƱang.

Ito ay sa harap na rin ng panawagan ng ilang senador na palitan na ng Pangulo si Aquino sa posisyon dahil hindi umano nito alam ang kaniyang trabaho.

Ayon kay Assistant Secretary George Soriano ng office of the Cabinet Secretary, wala naman siyang nasaksihan sa nakaraang pulong na pinagalitan ng Pangulo si Aquino.


Sinabi pa ni Soriano na sinabihan lang ni Pangulong Duterte si Aquino na mas magandang sobra ang supply ng bigas wag lang kulang dahil kung mangyari ito ay malaking problema ito.

Sa ngayon aniya ay nanatili parin naman si Aquino sa posisyon kaya ibig sabihin nito ay hindi ito sinibak ng Pangulo.

Facebook Comments