HINDI PINAGBIGYAN | Hiling ng DepEd na i-exempt sa tax ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa Barangay at SK election, hindi inaprubahan ng BIR

Manila, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Bureau of Internal Revenue ang hiling ng DepEd na gawing tax free ang honoraria na matatanggap ng mga guro na magsisilbing election board sa Lunes.

Ito ang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, dalawang araw bago ang Brgy. at SK election.

Ito ayon sa kalihim ay dahil sa umiiral na TRAIN Law at sa existing tax law.


Gayunpaman, ayon sa kalihim, naglabas ng Revenue Regulation ang BIR upang i-exempt sa tax ang honorariang matatanggap ng mga guro na ang annual income ay nasa 250 thousand pababa.

Ibig sabihin, sa mga guro o teachers 1 and 2 na tumatanggap ng salary grade 11 o 12, ay buo nilang matatanggap ang kanilang honorariya. Gayunpaman, kailangan nilang mag submit ng Sworn Declaration, sa mismong araw ng eleksyon, kung saan dapat nilang ilagay dito ang kanilang salary grade at annual income, na siya namang iva- validate ng mga election officers.

Facebook Comments