Manila, Philippines – Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang hiling ni Senator Leila De Lima na pansamantalang makalabas ng piitan para dumalo sa graduation ng anak sa San Beda College School of Law sa Alabang, sa June 3.
Sa tatlong pahinang desisyon, iginiit ni Judge Amelia Fabros-Corpuz ng Muntinlupa RTC Branch 205 na hindi maaring itratong espesyal ang senadora sa kapwa niya mga detainees.
Batay pa sa argumento ng prosekusyon, ang presesnya ni De Lima sa graduation ay hindi kailangan at maari lamang makagulo sa solemnity ng seremonya.
Maaari rin anilang magdulot ito ng banta sa seguridad ng paaralan, constituents nito at mismong lugar.
Patuloy namang inaantabayanan ang hiwalay na desisyon ng Muntinlupa RTC court branch 206 sa hiling ni De Lima.