Manila, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Supreme Court ang hiling na Temporary Restraining Order (TRO) ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng inilabas na proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang-bisa sa kanyang amnestiya.
Ipinauubaya na umano ng Korte Suprema sa Makati Regional Trial Court ang pagresolba sa usapin.
Anila, kinikilala ng SC ang pahayag ng Pangulo na susundin ang rule of law at hindi aarestuhin ang Senador hangga’t walang warrant of arrest mula sa Korte.
Sa halip na maglabas ng tro, binigyan ng SC ang gobyerno ng sampung araw para sagutin ang hamon ni Trillanes na patunayang hindi labag sa konstitusyon ang pagbawi sa kanyang amnestiya.
Kabilang sa mga respondent sa petisyon sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, DILG Secretary Eduardo Año, Justice Secretary Menardo Guevarra, (AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. at PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
Matatandaang kahapon, hindi pinagbigyan ng Makati RTC branch 150 ang hiling ng Department of Justice na maglabas ng Hold Departure Order at warrant of arrest laban kay Trillanes.
Sa halip, nagktakda sila ng hearing para sa mosyon ng DOJ sa September 14.