HINDI PINAGBIGYAN | Hirit ng Pro-life group na pigilan ang sertipikasyon ng FDA sa 51 contraceptives, ibinasura ng CA

Manila, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang hirit ng pro-life group na Alliance for the Family Foundation Philippines Incorporated (ALFI) na pigilan ang pagpapatupad ng resolusyon ng Food and Drug Administration (FDA) na nagdedeklarang ligtas at non-abortifacient ang 51 kontrobersyal na mga contraceptive products.

Sa limang pahinang resolusyon ,tinukoy ng CA Former Special 17th Division na nabigo ang ALFI na dumaan sa kaukulang administrative remedy.

Ayon sa CA, bago dalhin sa korte, dapat ay umapela muna ang ALFI sa Office of the President.


Hindi binigyan ng CA ng bigat ang argumento ng ALFI na wala nang saysay para idaan ang kanilang apela sa Tanggapan ng Pangulo dahil sa pahayag ni Presidente Duterte na kanyang ipatutupad ang Reproductive Health Law.

Matatandaan na noong November 2017, sinertipikahan ng FDA ang 51 contraceptives bilang ligtas at non-abortifacient kasama na ang kontrobersyal na Implanon at Implanon NXT na kinuwestiyon ng ALFI sa Korte Suprema.

Facebook Comments