Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na binasura ng Malolos RTC 15 ang kahilingan ni Retired Major General Jovito Palparan na ipagpaliban ang paglipat sa kanya sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.
Ito ay mula sa AFP Detention Center.
Kasunod ito ng hatol ng korte na habambuhay na pagkabilanggo laban kay Palparan sa kaso ng pagdukot kina UP students Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.
Ayon kay Guevarra, tiniyak na rin sa kanya ng AFP Custodial Center na tatalima ito sa desisyon ng lower court.
Ang DOJ ang nagsulong ng kasong kidnapping at illegal detention laban kina Palparan ,Lt. COl. Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osorio a na pawang nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo.
Facebook Comments