HINDI PINAGBIGYAN | PNP, hindi pumayag na makapagsagawa ng pagdinig si Senator Leila de Lima sa loob ng custodial center

Manila, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Philippine National Police ang hiling ni Senate President Tito Sotto III na makapagsagawa ng pagdinig si Senator Leila de Lima sa loob ng PNP custodial center kung saan ito nakaditine.

Ito ang nakasaad sa liham na ipinadala ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde kay Senator Sotto.

Ikinatwiran ng liderato ng pambansang pulisya na sa Korte dapat humingi ng permiso ang liderato ng Senado para magampanan ni Senator de Lima ang tungkulin bilang mambabatas.


Tinukoy din sa liham ang desisyon ng Supreme Court sa kaso ni dating Congressman Romeo Jalosjos na nagsasabing hindi dapat maging dahilan ang uri ng katungkulan o trabaho para malamangan o mahigitan ninuman ang pangkaraniwang mga bilanggo.

Facebook Comments