![ABUEVA](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2018/02/ABUEVA.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
FIBA – Hindi kinaya ng Gilas Pilipinas ag powerhouse team ng Australia sa kanilang naging laban sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Natalo ang Gilas sa score na 84-68 kung saan nanguna sa national team si June Mar Fajardo na may 15-points.
Nakalamang pa ng 5-points ang national team sa first quarter pero umarangkada ang Australia at isa sa naging problema pa ng Gilas ay ang kanilang free throw shots na may 7 out 19 sa pagtatapos ng laban.
Dahil dito, bumaba ang record ng Gilas sa 2-1 habang nananatili namang malinis ang Australia na may 3-0 record.
Muli namang maghaharap ang Gilas at ang Japan sa February 25 (Sunday) na mapapanood sa MOA arena.
Facebook Comments