Ilocos Sur – Patay ang isang carwash boy matapos itong mag-amok sa isang tindahan sa Vigan City, Ilocos Sur.
Ayon sa mga saksi, nakainom daw si Randy Fabrigas, isang carwash boy nang pumunta sa isang tindahan para mangutang ng sigarilyo at alak pero hindi ito napagbigyan kaya kumuha ito ng bolo at nag-amok.
Dito na humingi ng tulong ang mga residente sa kapitbahay nilang pulis na si PO1 Jefferson Ardiosa, na off-duty noon.
Sinubukang awating ni Ardiosa si Fabrigas pero kahit siya ay tinangkang tagain nito kaya agad niya itong nabaril sa ulo gamit ang kaniyang issued firearm na 9mm.
Idineklarang dead on arrival sa ospital si Fabrigas.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Vigan City Police ang dumipensang pulis.
Facebook Comments