Manila, Philippines – Hindi pinapahintulutan ng Commission on Elections o COMELEC na ilabas ang balota mula sa mga presinto para dalahin sa mga bobotong Person With Disabilities o PWDs at mga senior citizens.
Ito ang ipinaliwanag ni Ginang Normita Casal, ang Principal ng Esteban Abad High School bilang tugon sa isang 80-anyos na nakapanayam natin kanina at nagrereklamo.
Sabi ng anak ni lola na tumanggi ng mabigay ng pangalan, 6:30 pa ng umaga ay nasa eskwelahan na sila pero hindi nga makaboto ang nanay niya dahil sa 4th floor pa ang polling precinct kaya hindi na makaakyat dahil naka wheel chair at mahina na.
Ang ipinaghihinanakit nila, meron aniyang ibang senior citizens na dinalhan ng balota at nakaboto pero sa kanila ay ayaw itong gawin.
Paliwanag naman ng principal na si Ginang Normita Casal, tumawag sila sa hotline ng COMELEC, para sa nabanggit nareklamo at sinabi sa kanila na bawal ilabas ng presinto ang balota.
ayon kay Ginang Casal, gusto niyang matulungan si lola pero ayaw naman niyang labagin ang rules ng COMELEC.
Dahil dito ay inaalam na rin ng principal kung kung sino yung guro na sinasabi na naglabas ng mga balota para sa ilang senior citizens para sa kaukulang paglabag.
Samantala, sa Esteban Abada High School, wala naman iba pang matitinding problema ang mga botante.