HINDI PINAYAGAN | Walumpong-daang preso ng Misamis Oriental Provincial Jail, di pinahintulutang bumoto ngayong araw

Misamis Oriental – Hindi umano maaaring bumoto ang mga bilanggo ng Misamis Oriental Provincial Jail (MOPJ) ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ni MOPJ Warden Dominador Tagarda matapos hindi pinahintulutan ng Commission on Election (COMELEC) ang walumpong-daang preso sa dahilang galing sila sa malalayong barangay ng Misamis Oriental.

Mahihirapan aniya silang bantayan ang nasabing bilang ng mga bilanggo kaya at napagpasyahan nilang huwag na lamang silang palabasin upang bumoto.


Una nang kinumpirma ni Tagarda na dalawa sa kasalukuyang kapitan ang nabilanggo matapos masangkot sa illegal drugs ang tatakbo ulit at umapela sa korte na payagan silang bumoto ngayong araw.

Facebook Comments