HINDI PROBLEMA | Rice tariffication bill, hindi problema sa NFA

Manila, Philippines – Hindi problema sa National Food Authority (NFA) ang isinusulong na rice tariffication bill sa Senado.

Sa harap ito ng posibleng pagbuwag sa ahensya oras na maisabatas ang panukala.

Sa ilalim ng rice tariffication bill, papayagang mag-angkat ng bigas ang mga pribadong sektor na papatawan naman ng taripa ng gobyerno.


sa interview ng RMN DZXL Manila kay NFA Spokesman Rex Estoperez – aniya, wala itong kaso sa kanila basta tiyakin na mapo-proteksyunan ang mga magsasaka.

Samantala, itinanggi ni Estoperez ang ulat na ubos na ang stock ng bigas sa Pampanga.

Aniya, malabo itong mangyari dahil kabababa lang nila ng 56,000 sako ng NFA rice mula sa Subic para sa Region 3.

Nagbabala si U.S. President Donald Trump na kakalas sa World Trade Organization (WTO).

Ito ay kung hindi babaguhin ng ahensya ang umano ay hindi patas na pagtrato sa Amerika kaugnay ng isinusulong niyang protectionist policies.

Sinasabing may conflict sa pagitan ng trade policies ni Trump at ang open trade system ng who.

Ang naturang organisasyon ay itinaguyod para magbigay ng patakaran sa global trade at iresolba ang mga hindi pagkakaunawaan ng mga bansang kasapi nito.

Facebook Comments