HINDI PUMASA | Mungkahing gawing ‘war memorial’ at tourist attraction ang Marawi, hindi nagustuhan

Marawi City – Hindi tinanggap ni Marawi City Mayor Majur Gandamra ang mungkahi na ilipat na lamang sa ibang lugar ang buong Marawi City kaysa sa ibangon muli ang lungsod sa kinatatayuan nito ngayon.

Ito ang sagot ni Mayor sa mungkahi na gawing ‘war memorial’ ang buong lungsod at magsilbing tourist attraction.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Mayor Gandambra na iginagalang nila ang opinion ng mga eksperto pero batay sa nakukuha niyang reaksyon ng mga Maranao ay hindi nila gusto ang naturang suhestiyon.


Paliwanag ni Gandamra, maraming dapat ikonsidera sa issue tulad ng cultural, religious at social sensibilities ng mga taga-Marawi.

Bukod pa aniya dito ay magiging problema pa ang mga lupang paglilipatan ng bagong lungsod.

Ang gusto aniyang mangyari ng kanyang mga constituents ay muling itayo ang lungsod at palawakin nalang ito lalo na ang mga government centers.

Facebook Comments