Manila, Philippines – Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 27th World Economic Forum on ASEAN sa Vietnam sa linggong ito.
Sabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, siya ang kakatawan kay Pangulong Duterte sa naturang event sa Hanoi sa September 11 hanggang 13.
Matatandaan na noong August 8 ay sinabi ng WEF na isa si Pangulong Duterte sa walong lider mula Southeast Asia na dadalo.
Kabilang dito sina Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.
Dumalo si Pangulong Duterte sa nakaraang WEF sa Cambodia kung saan isinulong nito ang potensyal ng mga kabataan sa rehiyon at kung paano sila nabibiktima ng iligal na droga.
HINDI PUPUNTA | PRRD, hindi dadalo sa 27th WEF on ASEAN sa Vietnam
Facebook Comments