HINDI PUPUWERSAHIN | Mga OFW sa Kuwait na ayaw umuwi sa Pilipinas, hindi pipilitin – Malacañang

Manila, Philippines – Hindi pupuwersahin ng pamahalaan ang mga Overseas Filipino Workers na tatangging umuwi ng Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Total Deployment Ban sa bansang Kuwait.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, layon lamang ng direktiba ng Pangulo na maprotektahan ang mga OFW mula sa mga mapang-abusong employer sa naturang bansa.


Aniya, ang banat ng Pangulo ay dahil sa tila hindi binigyang halaga ng Kuwait Government ang mga tulong na naibigay ng Pilipinas at ng iba pang mga bansa noong bumabangon sila matapos salakayin ni dating Iraqi President Saddam Hussein.

Facebook Comments