HINDI RAMDAM | DTI, iginiit na walang epekto ang TRAIN law sa basic commodities

Halos hindi maramdaman

Yan ang sinabi ni Department of Trade & Industry Undersecretary for Consumers Protection Group Ruth Castelo sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa mga pangunahing bilihin.

Sa pag iikot kanina ng mga tauhan ng DTI sa ilang pamilihan sa Alabang, Muntinlupa lumalabas na mas mura pa nga sa Suggested Retail Price ang presyo ng ilang mga pangunahing mga bilihin tulad ng kape, sabon at gatas.


Paliwanag ni Usec. Castelo napaka minimal lamang ang epekto ng Train law simula nang ito ay ipatupad nitong bwan ng Enero.

Sa tantya ng DTI nasa 4-25 centavos lamang ang naidagdag sa presyo ng mga basic commodities bunsod ng TRAIN law.

Pero hindi pa aniya kasama dito ang iba pang factors tulad ng distribution cost, pagtaas ng krudo at raw materials.

Ito aniya ang dahilan kung kaya’t nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng mga pangunahing mga bilihin.

Kung susumahin ayon sa DTI, aabot lamang sa piso ang dagdag singil sa basic goods dulot ng TRAIN law at iba pang nabanggit na mga factors.

Facebook Comments