HINDI REHISTRADO | FDA, Nagbabala laban sa ilang dog shampoo na kumakalat sa merkado

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Food and Drug Administration ang mga dog lover laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong Dog Shampoo na gawa ng Blue Cross Laboratories – Sta Clarita California, USA.

Hindi rehistrado sa FDA ang Nature’s Best Flea & Tick Shampoo 473 mL

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance ng FDA na ang nasabing dog shampoo ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration


Dahil ang hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri at pageeksamin ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan nito.

Ang nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng alagang hayop na gagamit nito.

Facebook Comments