HINDI REHISTRADO | FDA NAGBABALA SA ISANG CONTACT LENS SOLUTION

54

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng healthcare professionals, establishment at publiko laban sa pagbili at paggamit ng “SMART SOLUTION ALL-IN-ONE SOLUTION “

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance ng FDA na ang Smart Contact Lens Solution na ibinibenta on line ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificates of Product Registration

Gayundin, dahil ang mga hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga nito.

Ang nasabing mga iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Hinihiling sa lahat ng Local Government Units (LGU) at Law Enforcement Agencies na tiyaking ang mga produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments