Hindi rehistradong baril, itinurn-over sa militar

Kasabay nang pagpapatupad ng Election Gun Ban, isa na namang sibilyan ang nagsuko ng kanyang hindi rehistradong baril sa militar sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, Commander ng 2nd Marine Brigade, ang nasabing sibilyan ay mula sa Barangay Simandagit, Bongao, Tawi-Tawi na boluntaryong nagsuko ng kanyang M1 Garand rifle at mga live ammunitions sa 312th Marine Company, Marine Battalion Landing Team 12.

Nito lamang Setyembre, matatandaang isinuko din ng mga residente ng Sitangkai town ang kanilang mga loose firearms o 4 na unregistered firearms.


Samantala, patuloy ang pagsasagawa ng Marine troops sa Tawi-Tawi ng dayalogo sa bawat komunidad upang hikayatin ang mga sibilyan na boluntaryong isuko ang kani-kanilang loose firearms upang maiwasang maipagharap ng paglabag sa RA 10591o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Election Gun Ban.

Facebook Comments