Quezon City – Sinalakay at ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Eastwood, Quezon City.
Pinangunahan nina BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa at Finance Assistant Secretary Tony Lambino ang pagsisilbi ng closure order kasama ang mga tauhan ng QCPD.
Ayon kay Guballa – hindi rehistrado ang Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC) na pangalawa sa pinakamalaking POGO service operator sa bansa.
Nabatid na mayroong 2,000 manggagawa ang nasabing POGO na karamihan ay mga Chinese.
Aniya – nasa dalawang bilyong buwis kada buwan ang kailangang habulin ng BIR mula sa mga POGO.
Samantala, asahan na ayon kay Guballa na may mga susunod pang closure operations ang BIR at DOF laban sa mga hindi rehistradong POGO partikular sa Parañaque at Subic.