Manila, Philippines – Kinalampag ng Gabriela Women`s Party list ang gobyerno sa banta ng pagpapalawig sa martial law.
Sinabi nila Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas na hindi matatapos at masosolusyunan ang problema sa Mindanao kung hindi naman tinutugunan ang ugat ng terorismo sa bansa.
Anila, kahit ilang dekada pa ang martial law ay hindi ito ang solusyon para sa pagwawakas ng kaguluhan sa rehiyon.
Ipinunto ng mga kongresista na kahirapan at kakulangan sa mga social services ang kadalasang problema kaya nauuwi ang problema sa karahasan.
Anila, marami pa ang nakaambang na problema dahil sa martial law na maaaring makaapekto at ikabagsak ng mga negosyo at ekonomiya sa Mindanao.
Facebook Comments