Manila, Philippines – Kasunod ng usapin ng pagbubuwag sa National Food Authority (NFA), sinabi ngayon ni Senator Kiko Pangilinan na hindi maaaring idaan ng Pangulo ang nais nito sa pamamagitan ng Executive Order.
Ayon kay Senator Pangilinan, mahabang proseso kung gagawin ito at kailangan munang dumaan sa Kongreso.
Naniniwala naman ang Senador na magsasagawa ng kaukulang legal briefing ang legal team ng palasyo para dito.
Una na ring sinabi ni Senador Pangilinan, na hindi sagot ang abolisyon ng NFA council, sa problema ng bansa sa supply ng NFA rice.
Facebook Comments