Manila, Philippines – Hindi sinasang-ayunan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagaaral ng Global Peace Index na isa ang Pilipinas sa most least peaceful sa buong Southeast Asia.
Manila, Philippines – Ayon sa kalihim maaring mali ang parameter na ginamit sa pagsasagawa ng survey,
Kung pagbabatayan aniya kasi ang pahayag ng napakaraming tao na nakalibot sa Pilipinas sinasabing payapa ang bansa.
Hindi rin aniya maaring pagbatayan ng pagaaral ang nangyaring gyera noon sa Marawi at ang maigting ng gyera kontra droga ng gobyerno dahil marami ang nag pahayag na mas naging ligtas sila ngayon dahil sa war on drugs.
Hindi rin makapaniwala ang kalihim na sumusunod ang Pilipinas sa North Korea sa least peaceful na bansa.
Kaya nanindigan ang kalihim na most faulty o mali ang ginawang pagaaral.