HINDI SANG-AYON | Planong joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at China, binatikos ni Sen. Hontiveros

Manila, Philippines – Para kay Senator Risa Hontiveros, isang kalokohan at pagtataksil sa bayan ang nilulutong joint exploration ng natural resources sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.

Diin ni Hontiveros, salungat ito sa tagumpay na nakamit natin sa desisyon ng un arbitral tribunal at makakaapekto din sa ating kasarinlan.

Pahayag ito ni Hontiveros, makaraang i-anunsyo ni Foreign Affairs Secretry Alan Peter Cayetano ang plano kung saan magiging 60-40 ang hatian pabor sa ating bansa.


Giit ni Hontiveros sa Dept. of Foreign Affairs, ibasura na ang nabanggit na planong joint exploration at sa halip ay tutukan kung paano maipapatupad ang un ruling sa West Philippine Sea.

Facebook Comments