HINDI SANG-AYON | VP Leni Robredo – tutol sa posibleng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Tutol si Vice President Leni Robredo sa posibilidad na pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao kasunod ng nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Giit ng Bise Presidente, kung pagbabasehan ang mga nangyari noon ay napatunayan nang hindi epektibo ang Martial Law extension para masawata ang karahasan.

Aniya, kailangan ng mas maayos na pagharap sa problema para malaman kung ano ang pinaka-epektibong paraan na pwedeng gawin para hindi na maulit ang nangyari.


Una rito, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinag-aaralan ng malacañang Ang posibleng pagpapalawig ng batas militar.

Hindi kasi aniya magandang senyales ang nangyaring pagsabog sa sultan kudarat kung saan dalawa ang nasawi habang mahigit 30 ang nasugatan.

Facebook Comments