Manila, Philippines – Kung pabor si Miss Universe Philippines Catriona Gray sa paglahok ng trans woman sa Miss Universe, hindi naman ito okey para kay 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez.
Kasunod ito ng pagkapanalo ng transwoman na si Angela Ponce na kung papayagan ng Miss Universe Organization (MUO), ay siyang magiging kinatawan ng spain para sa susunod na Miss Universe pageant.
Say ni 26-year old Pinay beauty queen, wala siyang problema sa mga transgender.
Katunayan, proud at masayang-masaya siya sa pagtanggap ng marami sa mga transgender.
Pero aniya, sana ay ibigay na lang sa natural-born women ang Miss Universe tutal ay may Miss International Queen din naman na ekslusibo para sa mga trans woman.
Sa huli, nilinaw ni Winwyn na opinyon niya lang naman ito at nakadepende pa rin sa muo kung pasasalihin sa Miss Universe pageant si Angela.