Manila, Philippines – Aminado ang Department of National Defense (DND) na kulang pa ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na depensahan ang teritoryo nito sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, patuloy ang pagsisikap ng militar na pagandahin at i-upgrade ang mga pasilidad nito lalo na sa Pag-asa Island at Palawan para makalapag ang mga military planes doon.
Giit ng kalihim, ang kanilang ginagawang hakbang na palakasin ang kapabilidad ng AFP ay nakadepende sa aaprubahang pondo ng Kongreso.
Nitong nakaraang buwan, inumpisahan na ang pagsasaayos ng 1.3 kilometer runway ng Rancudo Airfield sa Pag-asa Island.
Naglaan ang gobyerno ng 1.6 billion pesos para sa improvement ng mga pasilidad sa Pag-asa Island habang 1.2 billion pesos para sa pagsasa-ayos ng Rancudo Airfield.