HINDI SAPAT | Gobyerno, hindi dapat makuntento sa hatol na bitay sa employers ni Demafelis

Manila, Philippines – Para kay Senator Grace Poe, hindi dapat huminto ang paghahabol ng gobyerno sa hustisya para kay Joanna Demafelis matapos na hatulan ng Kuwaiti court ng bitay ang mag-asawang employers nito.

Giit ni Senator Poe, sa kabila ng magandang development sa kaso ni Demafelis ay dapat pa ring ituloy ng pamahalaan ang mga hakbang para sa kapakanan ng iba pang mga OFWs.

Pangunahin aniya dito ang paglagda sa Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na layuning proteksyunan ang mga manggagawang Pilipino.


Umaasa si Senator Poe na magkakaroon din ng Memorandum of Understanding ang Pilipinas sa iba pang mga bansa kung saan may mga OFWs.

Giit pa ni Senator Poe, palaging handa ang pamahalaan na kumilos at asistehan ang mga OFWs na ang mga karapatan at kapakanan ay nalalagay sa alanganin.

Facebook Comments