HINDI SAPAT | NPC, nakukulangan sa aksyon ng Facebook sa data breach sa 50 million users

Manila, Philippines – Nakukulangan ang National Privacy Commission (NPC) sa ginawang remedyo ng Facebook para ma-secure ang impormasyon ng halos 50 milyong users na nabiktima ng data breach.

Nitong Biyernes (Sept. 28), sinabi ng Facebook na nanakaw ng mga hackers ang digital log in codes na magbibigay sa kanila ng access para ma-kontrol ang nasa 50 million user accounts.

Nabatid na ni-log out ng Facebook ang session ng mga apektadong users at ibinalik muli nila ito kasabay ng pag-abiso sa mga users hinggil sa insidente.


Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro – dapat sundin ang Facebook sa mga prescribed breach management procedures.

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga nangungunang bansa na may pinakamaraming fb users na may 36.2 million na Pinoy.

Inaalam pa ng Facebook kung gaano karaming Pilipino ang apektado ng data breach.

Facebook Comments