Manila, Philippines – Bumaba pa ang purchasing power ng daily take home pay ng halos apat na milyong minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).
Sa pinagsamang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Ibon foundation, sa inflation rate na aabot ng 5.2%, kinakailangan ng 1,168 pesos para suportahan ang isang pamilyang may anim na miyembro bawat araw.
Nasa 973 pesos naman ang kailangang para sustentuhan ang pamilyang may limang miyembro.
Ang nominal minimum wage sa NCR ay nasa 512 pesos lamang, hindi sapat para maitawid ng isang pamilya ang isang araw.
Suportado naman ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang isinusulong na 750 pesos na daily national minimum wage.
Facebook Comments