HINDI SAPAT | Umento sa sahod at dagdag na benepisyo ng mga nurse, inihihirit ng Philippine Nurses Association

Manila, Philippines – Umapela ang ilang nurse na itaas ang kanilang buwanang sahod at iba pang benepisyo para mahikayat silang manatili at magtrabaho sa bansa.

Ayon kay Ruth Thelma Tingda ng Philippine Nurses Association, unti-unti bumababa ang bilang ng mga nagsisilbing nurse sa mga government hospital.

Aniya, hindi sapat ang tinatayang P25,000 o kaya’y mas mababa pang sahod kada buwan para sa nurses sa bansa.


Sa tala ng Philippine Nurses Association of America, aabot na sa 5,000 pinoy nurse ang nagtatrabaho doon dahil sa magandang pasuweldo at benepisyo.

Giit ni Dino Doliente, presidente ng Philippine Nurses Association of America, binibigyan rin ng proteksiyon ang mga Overseas Filipino Nurse sa Estados Unidos.

Bukod sa mas alaga sila abroad, naaakit din ang ibang pinoy nurse na mangibang-bayan dahil sa teknolohiya at mga makabagong pamamaraan ng propesyo ng pagiging nurse.

Facebook Comments