Manila, Philippines – Hindi parin mabatid ng Task Force bangon Marawi ang kabuoang halaga na kanilang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa Mindanao Hour sa Malacanang ay ipinaliwanag ni Taskforce Bangong Marawi Spokesman Kristofer James Purisima na hindi pa kasi natatapos ang damage assessment sa buong lungsod dahil hindi pa tuluyang makapasok ang assessing team para ito ay isagawa.
Sa oras aniyang bigyan sila ng Armed Forces of the Philippines ng go signal na makapasok sa lungsod ay doon palamang matatapos ang assessment at pagkatapos noon ay mailalatag na ang comprehensive rehabilitation and recovery program para maidetermina kung magkano ang kakailanganing pondo.
Sa ngayon aniya ay mayroon nang 5 bilyong pisong pondo ang pamahaaan para ngayong taon na maaaring ilaan sa Marawi Rehabilitation at sa susunod na taon naman aniya ay mayroong 10 bilyong piso na inilaan ang pamahalaan.
Pero sinabi din nito na hindi ito sapat at kailangan silang maghanap ng mapagkukunang pondo sa tulong narin ng budgetary agencies ng gobyerno.
HINDI SAPAT │Kabuoang pondo para sa Marawi rehabilitation, hindi pa tukoy
Facebook Comments