Manila, Philippines – Walang balak ang Australian telecommunications company na Telstra na sumali sa bidding process para sa ikatlong telecommunications player sa Pilipinas.
Ayon sa Telstra, wala silang plano na pumasok sa mobile telecom market sa bansa.
Pero matatandaan noong 2016, nagkaroon ng pag-uusap ang Telstra sa kumpanyang San Miguel Corporation para bumuo ng venture para makipagkompitensya sa dalawang telecom giants na PLDT at Globe Telecom.
Subalit hindi naging matagumpay ang pag-uusap at ibinenta ng San Miguel ang kanilang telco assets sa PLDT at Globe sa halagang 70 bilyong piso.
Hindi na nagbigay ng pahayag ang Telstra kung bakit tinapos ang pag-uusap.
Facebook Comments