Manila, Philippines – Aminado ang pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi nila magagarantiya na walang mangyayaring block out na mangyayari sa Visayas Region.
Sa ginawang Presscon sa tanggapan ng NGCP sinabi ni NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, bagamat tiniyak ng NGCP na mayroon silang sapat na reserba ng kuryente pero hindi umano nila magagarantiya na walang mangyayaring power interruption.
Paliwanag ni Alabanza maraming mga factor na dapat ding ikukunsidera upang magarantiya sa publiko na walang mangyayaring block out kabilang na diyan umano ang kondisyon ng panahon.
Nangamngaba kasi ang ERC dahil wala silang mga commissioner na tatalakay sa mga usapin na may kinalaman sa supply ng kuryente na posibleng magkakaroon ng black out sa Visayas Region.
Giit ni Alabanza na projection ng NGCP ay base sa Maintenance Program o Schedule dahil sa pangamba umano ng ERC na posibleng magkakaroon ng black out sa naturang lalawigan.