HINDI SIGURADONG LIGTAS | FDA, nagbabala laban sa hindi rehistradong food products & supplements

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng mga hindi rehistradong food products at food supplements.

Kabilang sa mga hindi rehistrado sa FDA ang;
1) Jacquilou’s Herbal Tea Malunggay Tea
2) Nurture Grace Extra Virgin Coconut Oil 350ml
3) AcneCare Lactoferrin with Linumlife Extra and Zinc Gluconate Dietary Supplement
4) MS for Male Tablet
5) CL Pito-Pito Herbal Capsule

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang mga nasabing produkto ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration


Dahil hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri ng FDA, hindi masiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Ang mga nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng komukunsumo nito.

Facebook Comments