HINDI SINAKTAN? | NCRPO, iimbestigahan na ang viral video ng pananakit sa isang police trainee noong Pista ng Itim na Nazareno

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nag-viral na video ng pananakit sa isang police trainee noong Pista ng Nazareno.

Sa video, makikita ang dalawang pulis na lumapit sa Imahen ng Itim na Nazareno at hinawakan ito.

Maya-maya ay lumapit ang isang lalaking naka-itim na polo shirt na tila sinampal ang isa sa mga trainee.


Pero ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde – hindi naman sinaktan ang pulis.

Facebook Comments