HINDI SINASADYA | Isang pulis, patay matapos aksidenteng mabaril ng kaniyang kabaro

Samar – Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng mabaril ng kapwa pulis sa san Jose de Buan, Northern Samar.

Sa ulat, naglilinis ng kanyang baril ang suspek na si PO1 Jesrel Ebatadaos at hindi nito napansin na may bala pa pala sa loob nito.

Aksidente nitong nakalabit ang baril at natamaan sa ulo ang kasamahang si PO1 Mark Anthony Austria.


Agad namang dinala sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay makaraan ang ilang oras.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad pero nilinaw naman ng mga ito na aksidente lang ang nangyari at walang alitan sa pagitan ng dalawang pulis.

Facebook Comments