HINDI SUMANG-AYON | Harassment ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Spratly, kinondena ni Sen. Gordon

Manila, Philippines – Kinondena ni Senator Richard Gordon ang harassment na dinaranas ng mga Pilipinong mangigisda sa kamay ng Chinese Coast Guard na nagpapatrulya sa Panatag o Scarborough Shoal.

Pahayag ito ni Senator Gordon kasunod ng reklamo ng mga mangingisdang Pinoy sa panatag shoal na kinukuha ng Chinese Coast Guards ang kanilang mga nahuhuling isda.

Giit ni Gordon sa pamahalaan, maghain ng protesta laban sa panggigipit ng Chinese Coast Guards sa mga kaawa awang mangingisda natin na naghahanap lang ng ikabubuhay.


Binanggit din ni gordon ang pag-aligid ng helecopter ng China sa rubber boat na idineploy ng Philippine military sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Gordon dapat igiit ng pilipinas sa Chinese leadership na manduhan nito ng tama at makatwiran ang kanilang Pagpapatrulyang isinasagawa sa bahagi ng karagatan na itinuturing na common fishing ground para sa lahat ng bansa na dito ay umaangkin.

Facebook Comments