HINDI SUMARANG PINTO | MRT-3, muling nagka-aberya

Manila, Philippines – Maagang nakaranas ng aberya ang isang Tren ng MRT3 ngayong araw.

Alas 8:19 kaninang umaga nang pababain sa Shaw Boulevard Station ang hindi bababa sa siyam na raang pasahero.

Hindi sumarang pintuan Tren ang dahilan ng aberya.


Agad din namang nakasakay sa sumunod na tren ang mga apektadong pasahero.

Nakiusap naman ang pamunuan ng MRT sa mga pasahero na huwag sandalan o sapilitang buksan ang pintuan ng tren na kadalasang nagiging sanhi ng aberya.

Samantala, nasundan ito ng isa pang aberya sa parehong istasyon, alas 10:02 kaninang umaga kung saan 820 pasahero ang pinababa dahil sa “Signaling Error”.

Facebook Comments